In honor of National Poetry Month (April), we are proud to share this Tagalog poem by Zosimo Quibilan, Jr. He also wrote the accompanying English translation.
Ang Hugis Nitong Umaga
by Zosimo Quibilan, Jr.
Hindi nalalayo sa piniritong itlog Ang hugis nitong umaga. Nagiging tiyak ang mga kulay Sa itim na kawali – mala-uhog puti, Nahihinog na plemang dilaw. Nangilo ako Sa paggayat mo ng pipino sa porselanang plato. Masinsin nating kinayas, winisikan ng paombong Ang bumbong na sinahogan ng giniling na baboy, salitre, Bawang. Pawang ang pinakuluang kapeng bigas ang papawi Sa asim ng panahon. Sa asing simpino ng ambon, Hihilamusan ang sinangag, gatla-gatlang kamatis Papantayan ang anumang tapang at anta Ng nilamukos na itlog na pula, nilupak Sa matigas-tigas na kaning pilit na bumabalik Sa pagkabigas matapos mabigkas ang mga unang Pasasalamat at pangarap sa pagitan Ng paghigop, pagnguya, pagsinghap. Kanina ka pa nagpasyang maggisa, At marami sanang naisalang kung di lang Naging mailap ang pihitan ng gas, Kung di ka lang napuwing sa mga tahip, Kung tuyo lang sana ang kusot At pinanggatong ang palo-palo Sa halip na pinampitpit Ng paminta, pinampukpok Sa lamog na lamog na kalamnan Para sa isa na namang araw Ng paghahanap ng hanapbuhay Na mas malimit pang makita Habang dilat ang mga mata, Kapag mulat ang akong humihinga.
The Shape of This Morning
It’s not much different from a fried egg The shape of this morning. The colors turn resolute On a well-seasoned pan – gooey white, Yellow, ripening like phlegm. My teeth twinge As you slice cucumbers thinly on a porcelain plate We mince with utmost care, drizzle with paombong A sausage stuffed with ground pork, saltpeter, Garlic. Only stepped rice coffee can temper This season’s sourness. With salt as delicate as rain Sprinkling over sinangag, wedges of tomatoes. Matching any sharp flavor or rancidness From scooped salted egg, mashed on rice returning to uncookedness And speech after expressing the firsts of gratitudes and wishes in between Sips, chewing, and gasps. You decided earlier to sautee And could have cooked more if only The gas tank’s valve is not slippery, If you only didn’t get rice husks in your eyes, If only the sawdust kindling was dry And the laundry beater was used only as fuel Not pestle to black pepper, not paddle On bodies as if severely beaten For another day Of looking for work That’s easier to find While my eyes are wide open When I breathe wide awake.
About the Author and the Poem:
ZOS!MO is an award-winning fictionist, musician, and playwright based in Los Angeles. He is the Founder of No Sisig, No Rakenrol, a new creative collective for original Filipino American rock music.
According to Z, “My book is called “Ang Tanging Natagpuan.” It’s divided into 3 sections and "Ang Hugis ng Umaga" is under the section called “Sa Tamang Kanto Na Ako Papara” which includes poems about being a commuter in Manila. It’s an ode to breakfast and yes, looking for work.”
Click here to watch ZOS!MO’s entry to NPR’s Tiny Desk Contest.